MASISILAYAN ang future grand masters ng bansa sa pagsulong ng 28th Golden Mind Chess Tournament (Under-14) sa Hunyo 23 sa EBR Building, Tagumpay Canteen, Tagumpay Supermarket sa Lipa City, Batangas.

Ayon kay tournament organizer Alexandro “Allan” Osena, presidente ng Golden Mind Chess Club at Christian-Muslim Chess Association (LCCMCA) ay nakalaan ang top prize P3,000 plus trophy sa magkakampeon habang may naghihintay naman na cash prizes naman sa next nine winners na tig P1,500, P800, P500, P300 at P200 plus medals ayon sa pagkakasunod.

May nakalaan din sa mananalo sa kategorya bilang Top under 6, under 8 at under 10 na may tig P300 plus medals sa event na sinuportahan ni LBC Express Customer Associate Ryan Lopez Sauz na tumatayong Press Relation Officer (PRO) ng nasabing chess club.

Ang one-day Swiss System chessfest ay magtatampok sa mga Kiddies 14 years old and under na may 1975 and below NCFP rating base sa January 2018 list.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Ang tournament registration fee ay P250 sa non-members habang P200 sa members. Mag call o text kay Mr. Alexandro “Allan” Osena sa mobile numbers: 0916-792-2536 at 0921-250-0251 para sa dagdag detalye.

Ilan sa mga nagbigay ng kumpirmasyon na lalahok ay sina 6-anyos King Alexander Osena, Rafah Kamilla Ramos at Rigil Kent Rosell Pahamtang ng Lipa City, Batangas, Jonash Macalalad ng Tanauan City, Batangas, Rain Yasha Mogrogaba ng Batangas province, Criswen Falamig ng San Pablo City, Laguna, Jeremy Marticio ng Binan, Laguna, Precious Nicole Lasin ng San Antonio, Quezon province at Selwyn Alyosha Gaspi ng Tiaong, Quezon province.