NAGTALA ng magkasunod na panalo sina Jerlyn Mae San Diego ng Dasmariñas City at Checy Aliena Telesforo ng Iloilo City para mapatatag ang kampanya sa pagbubukas ng 2018 National Age-Group Chess Championships Grand-Finals Girls 14 and under sa Capiz Gymnasium sa Roxas City, Capiz.

MALALIM ang hugot ng diskarte ni Alexandra Sydney Paez (kaliwa), chess protégée ni Mayor Atty. Rommel “Mel” A. Gecolea ng Team Calamba, kontra Rohanisah Buto ng Cainta, Rizal sa 2018 National Age-Group Chess Championships Grand-Finals Girls 14 and under sa Capiz Gymnasium sa Roxas City, Capiz.

Si San Diego, produkto ng Dasmariñas Chess Academy na itinatag nina Dasmariñas mayor Elpidio “Pidi” Barzaga Jr. at congresswoman Jenny Barzaga ay nagwagi kina Shaina Grace Garcia ng Cagayan de Oro City sa Round 1 at Rohanisah Buto ng Cainta, Rizal sa Round 2.

Sa panig naman ni Telesforo, giniba niya sina Lorebina Carrasco II ng Cagayan de Oro City sa Round 1 at Rhealyn Cordovero ng Roxas City, Capiz sa Round 2.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Ang Tournament Director ay si FIDE Arbiter Red Dumuk habang ang Chief Arbiter ay si National Master Wilfredo Neri.

Nakalikom din ng perfect 2.0 puntos sina Aliyah Rae Lumangtad ng Tagum City, Franchesca Largo ng Maramag, Bukidnon at Queen Rose Pamplona ng Passi, Iloilo sa Girls 12 and under