Ni Beth Camia

Pinagkaguluhan ng publiko si Pangulong Duterte nang sumaglit siya sa Greenbelt 5 sa Makati City, nitong Sabado ng gabi.

Ayon sa ulat, nagtungo ang Pangulo sa bilihan ng mamahaling relo sa loob ng mall matapos niyang dumalo sa closing dinner ng 51st Asian Development Bank Annual Meeting sa Mandaluyong City.

Kumalat sa social media ang mga larawan na makikita ang Pangulo na pinalilibutan ng mga tauhan ng Presidential Security Group (PSG) habang nag-uunahan ang mga tao na makalapit at makapagpa-selfie kasama siya.

Eleksyon

Ben Tulfo sa pagtakbo rin niya bilang senador: ‘This is another Tulfo’

Ilan naman sa kanila ang napagbigyan ng Pangulo na makapagpa-selfie.

Sa isang video naman na ipinost sa Twitter, makikita ang Pangulo na nagtitingin ng relo sa loob ng isang Swiss luxury watch store sa nasabing mall.

Disyembre noong nakaraang taon nang nagtungo rin si Duterte sa Greenbelt 5 para bumili ng backpack, na lalagyan ng kanyang gun magazines.