Mula sa Reuters

GUMANAP ang adult film actress na si Stormy Daniels, na umano’y nagkaroon ng relasyon kay President Donald Trump, sa isang sketch sa U.S. comedy show na Saturday Night Live, kung saan binalaan niya si Trump na “a storm’s a-comin baby.”

Stormy Daniels

Stormy Daniels

Sa show, hiniling ni Trump, na ginampanan ni Alec Baldwin, ang kanyang abogado na si Michael Cohen, na ginampanaman naman ni Ben Stiller, na tawagan si Daniels at ayusin ang kanilang kaso “once and for all.”

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Kinasuhan si Trump ni Daniels, Stephanie Clifford ang tunay na pangalan, nitong Marso, upang mapawalang-bisa ang isang “hush agreement”, para umano ilihim ang kanilang relasyon kapalit ng $130,000 mula kay Cohen. Itinanggi naman ni Trump na nagkaroon siya ng relasyon kay Clifford.

Sa sketch na ipinalabas nitong Sabado ng gabi, nakikinig si Trump sa usapan nina Cohen at Clifford at kalaunan ay pinigil nito ang kanyang abogado, saka siya ang direktang nakipag-usap kay Clifford.

“What do you need for all this to just go away?” tanong niya.

“A resignation,” sabi ni Clifford.

Giit ni Trump: “I solved North and South Korea, why can’t I solve us?”

Sabi ni Clifford ay huli na ang lahat para maayos pa sila.

“I know you don’t believe in climate change, but a storm’s a-comin baby,” sabi ni Clifford, bago nila pinutol ni Baldwin ang eksena para sa introduksiyon ng show, ang “live from New York it’s Saturday Night Live!”