Ni REMY UMEREZ
SA panahon ngayon na kung sinu-sino na lamang na artista ang pinalalabas na sumusulat ng aklat, wala kayang balak ang ABS-CBN na isalibro ang naging buhay ng magaling na actor na si JM de Guzman?
Tiyak na marami ang interesadong malaman ang mga pinagdananan ni JM lalo na noong mga panahong nasa loob siya ng rehabilitation center.
Open book ang istorya ng buhay ni JM at ang pagkagumon niya sa ipinagbabawal na gamot. Paano ba ito nagsimula, udyok ng barkada o problema sa iba’t ibang bagay?
Maraming aral na mapupulot sa kanyang pagsisiwalat at magsisilbi itong inspirasyon sa maraming kabataan na biktima rin ng drug abuse.
Kahanga-hanga ang determinasyon ni JM de Guzman na makabalik sa normal na pamumuhay. Napakalaking tulong ang suportang ipinadama ng kanyang mga mahal sa buhay upang mapadali ang kanyang pagbangon, something na dapat niyang ibahagi sa lahat.
JM de Guzman is on the right track now. Damang-dama niya ang tiwala at pagmamahal ng mga kasamahan sa Kapamilya Network sa pamamagitan ng teleseryeng Araw Gabi na sadyang inilaan para sa kanyang pagbabalik-telebisyon.