BUKAS na ang pilot ng My Guitar Princess, bago mag-Eat Bulaga na pinagbibidahan ni Julie Anne San Jose.

Bukod sa pagha-highlight sa pagiging musikero ni Julie Anne, ipinapakilala ang dalawa niyang leading man na sina Kiko Estrada at Gil Cuerva. Nakakatuwa ang fans na kanya-kanya na ng bet kung kanino mas may chemistry si Julie Anne.

JULIE ANN copy copy

“Maganda ang story ng My Guitar Princess, hindi lang about music, tungkol din sa family. Sobra akong naka-relate sa karakter kong si Celine Raymundo na musikero at mapagmahal sa parents. Thankful akong mabigyan ng opportunity to work with the cast at sa ganitong concept dahil matagal na ring walang musical rom-com ang GMA-7,” pahayag ni Julie Anne.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Dagdag pa niya, isa ito sa favorite roles sa mga ginampanan niya dahil hindi lang siya umaarte, kakanta at magpi-perform din siya.

“I love singing and performing at malaking bagay na na-incorporate sa show ang music. Ito rin ang pinaka-light na show na nagawa ko, masaya sa taping,” patuloy ni Julie Anne.

Samantala, this May na mapapanood sa net ang ginawang music video ni Julie Anne kasama ang cast ng The Lion King PH.

“Tumawag ang Globe para sa collaboration. First time ko to perform with the cast of a musical. I’m just really happy na ako ang napili and it’s a big opportunity for me, a different experience and part of my growth as a singer. I’m grateful,” pagtatapos ni Julie Anne. (Nitz Miralles)