Nina Roy C. Mabasa at Francis T. Wakefield
Tiniyak ng gobyerno ng Pilipinas kahapon na gagawin nito ang “every and all diplomatic action” para protektahan ang interes ng bansa matapos ang iniulat na naglagay ang China ng anti-ship cruise missiles at surface-to-air missiles sa tatlong outpost sa South China Sea.
“Our interest is clear. We have territorial and sovereignty rights claim. We will take every and all diplomatic action to protect our interest,” sinabi ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa mga mmamahayag.
Binanggit ang hindi pinangalanang sources sa intelligence, iniulat ng U.S. news network na CNBC nitong Miyerkules na ikinabit ang mga missile sa Fiery Cross Reef, Subi Reef at Mischief Reef sa nakaraang 30 araw.
Nababahala man sa ulat, sinabi ni Cayetano na beneberipika pa ng Pilipinas ang impormasyon.
“We are taking it seriously. We are verifying the information, we are closely coordinating with SND (Secretary of National Defense), SNA (Secretary of National Security Administration) and NICA (National Intelligence Coordinating Agency),” lahad ng foreign affairs chief.
“We are in search of resolution,” dagdag niya.
Nitong Huwebes, binanggit ni United States Ambassador to the Philippines Sung Kim ang kahalagahan ng mga barko ng America sa rehiyon sa harap ng mga pangamba sa patuloy na militarisasyon sa South China Sea.
“Not only does our presence. Visits of ships are really fantastic, ships (and) carriers demonstrate our commitment to the US-Philippines alliance, the region, and also to do whatever we can to protect international flights, freedom of navigation and overflight,” ani Kim.
Samantala, sinabi ng isang mataas na security official kahapon na nakakabahala ang pagposisyon ng China ng mga missile sa Spratlys.
“Contrary to the freedom of navigation, it poses a serious security concern for the entire region because it means that whoever traverses those areas are well within China’s missile range,” sabi ng opisyal na tumangging pangalanan.