PANALO sa puso ng mas maraming Pilipino ang mga palabas ng ABS-CBN noong Abril sa nakamit na average audience share na 45% na 12 puntos ang lamang kumpara sa 33% ng GMA, ayon sa datos ng Kantar Media.

The country's most watched programs in April copy

Mas pinanonod sa urban at sa rural homes ang ABS-CBN, partikular na sa Metro Manila sa naitalang average audience share na 42%, laban sa 25% ng GMA, at sa Mega Manila na nagrehistro naman ng 36%, kumpara sa 34% ng GMA. Inabangan din ang Kapamilya Network sa Total Luzon sa pagtala nito ng 41%, laban sa 35% ng GMA; sa Total Visayas sa pagpalo nito sa 54%, kumpara sa 26% ng GMA; at sa Total Mindanao, kung saan nagkamit ito ng 51% at tinalo ang 29% ng GMA.

Kinakatawan ng Kantar Media ang 100% ng mga manonood ng telebisyon sa buong bansa sa paggamit nito ng nationwide panel size na 2,610 na urban at rural homes.

Tsika at Intriga

Ian De Leon, pamilya, nagsalita sa dahilan ng pagkamatay ni Nora Aunor

Pasok sa top ten ng mga pinakapinanood na programa noong Abril ang FPJ’s Ang Probinsyano (41%), Pilipinas Got Talent (36.9%), Bagani (33.2%), TV Patrol (28.8%), MMK (27.6%), Wansapanataym (27.5%), Home Sweetie Home (24.5%), The Good Son (20.6%), Since I Found You (20.6%), at Rated K (20.1%).

Inabangan din ang ABS-CBN sa iba’t ibang timeblocks, partikular na sa primetime block (6 PM to 12 MN), na nakakuha ng average audience share na 50%, na 18 puntos ang lamang kumpara sa 32% ng GMA.

Tinutukan din ang ABS-CBN sa morning block (6 AM to 12 NN) sa pagtala nito ng average audience share na 35% kumpara sa 32% ng GMA; sa noontime block (12 NN to 3 PM) sa pagrehistro nito ng 45% kontra sa 33% ng GMA; at sa afternoon block (3 PM to 6 PM) matapos nitong magkamit ng 43%, laban sa 35% ng GMA.