Ni Nitz Miralles

NAG-ALA Adan at Eba na naman sina Troy Montero at Aubrey Miles na nag-post ng hubo’t hubad nilang litrato habang nagbabakasyon sa Two Seasons, Coron Island, Palawan.

troy

Umingay at uminit na naman ang social media dahil sa ginawa ng dalawa.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa Instagram (IG) ni Troy naka-post ang picture nilang hubo’t hubad na nakadapa siya at naka-expose ang maputing puwit. Nakaupo naman sa tabi niya ang hubo’t hubad ding si Aubrey na dahil naka-side view, side view din ng kanyang left boobs ang nakita.

Ang caption ni Troy sa very hot picture nila ni Aubrey, “You and me and vitamin sea.”

Nag-react na naman si KC Montero sa ginawa ng kapatid at tinatawag nitong “GF” ng brother niya.

“You have to be kidding me,” sabi nito.

Hindi pabor si KC sa ginagawa ng kapatid at hipag, pero wala siyang magagawa lalo’t may mga natutuwa naman.

Sa IG ni Aubrey, may solo pictures siya na nakatalikod at ‘yung isa’y nakaupo sa buhangin. Natawa kami sa comment na baka may pumasok sa private part niya.

Sayang at hindi sinagot ni Aubrey ang tanong, would love to hear her answer.