Ni Nora Calderon

MARAMI ang natuwa nang mapabalitang lilipat si John Estrada sa GMA-7, at ang wish nila ay muli silang magkasama ni Janice de Belen sa isang teleserye.

JANICE AT INAH LANG_please crop copy

Pero malabo dahil bago pa man nakalipat si John sa GMA last Wednesday, napabalita namang bumalik si Janice sa ABS-CBN, at may bago na itong teleserye na gagawin doon, kasama si Angel Locsin.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Gayunpaman, excited si John sa unang project sa kanyang bagong network.

“Ang gagawin kong first project sa kanila ay ngayon lamang ako makagagawa ng ganitong serye kaya excited ako,” aniya.

Hindi pa man lumilipat si John, napabalita nang magkakasama sila ng anak niyang si Inah de Belen. So, iyon ang aabangan natin, ang pagsasama ng mag-ama na never pang nakatrabaho dahil magkaiba nga dati ang networks nila.