Ni ADOR SALUTA

IDINAAN ni Diego Loyzaga sa social media ang pakiusap sa fans na huwag siyang i-link kay Sofia Andres dahil hindi raw niya ito girlfriend, kasabay ang paglalantad sa tunay na katauhan ng kanyang kasintahan sa ngayon.

DIEGO AT CHELSEA copy

Nilinaw ng non-showbiz girl na nali-link ngayon kay Diego kung ano ang tunay na ugnayan nila ng Kapamilya young actor, kasunod ng pagpo-post ni Diego sa Instagram nitong Lunes, April 30, ng isang larawan na katabi niya ang isang babae na tila kuha sa isang resort.

Karina Bautista, PH navy reservist na

Base sa post, Chelsea Ronquillo ang pangalan ng girl.

Nag-react ang netizens na nakakita sa picture, partikular na ang mga tagahanga nina Diego at ni Sofia.

Disappointed ang fans na boto sa love team nila. Matagal na kasing napababalitang may relasyon ang dating magka-love team.

Pero sa comments section, diretsahang sinabi ni Diego na walang namamagitan sa kanila ni Sofia.

Ibinuko rin ng aktor na may boyfriend na si Sofia. Sa kanyang sariling Instagram account, ipinost din ni Chelsea ang larawan nila ni Diego.

Sa caption, tila sinagot niya ang espekulasyong may namamagitan sa kanila ng aktor: “Think watchu wanna think, we all know what it is since 2011, much love.”

Sa comments section, nagbiruan pa sina Diego at Chelsea. Nag-comment ang aktor na “girlfriend” na pala niya ngayon ang dalaga.

Tugon ni Chelsea: “HAHAHAHAH ang laughtrip!”

Isang follower nila ang nagkomento na nais ipaunawa nina Diego at Chelsea na hindi maganda ang mang-bash.

Sagot ni Chelsea: “Exactly our point. Nothing wrong with catching up with the ones you haven’t seen in so long.”