Ni Fer Taboy

Aabot sa P5-milyon ransom ang hinihingi ng mga kidnapper ng dalawang pulis na dinukot sa Sulu, nitong Linggo ng tanghali.

Ito ang ibinunyag ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde matapos niyang makausap ang mga magulang nina PO2 Benierose Alvarez at PO1 Dinah Leonardo Gumahad, nakatalaga sa crime lab sa Police Regional Office (PRO)-9.

Dinukot sina PO2 Alvarez at PO1 Gumahad sa Barangay Liang, Patikul, Sulu, ng mga hindi pa nakikilalang lalaki, na pinaniniwalaang mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG), dakong 12:40 ng tanghali.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ayon kay Albayalde, lumapit sa kanya ang mga magulang ng mga biktima upang humingi ng saklolo kasunod na rin ng paghingi sa kanila ng ransom ng mga suspek.