Ni Mary Ann Santiago

Patay na nang matagpuan ang isang welder sa loob ng tinutuluyang lodging inn sa Quiapo, Maynila, kahapon ng umaga.

Hinihinalang pagtaas ng presyon ang ikinasawi ni Vergel delos Santos, 43, welder, at residente ng 648 Quezon Boulevard, Quiapo.

Sa ulat na isinumite ni SPO3 Jonathan Bautista, ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), nadiskubre ang bangkay ng biktima sa loob ng unit ng Ilang Ilang Lodge sa 648 Quezon Boulevard sa Quiapo, bandang 9:15 ng umaga.

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Una rito, nag-checked in sa naturang lodging inn ang biktima, kasama ang kanyang anak na babae, dakong 10:00 ng gabi kamakalawa.

Kapupuwesto lang ng live-in partner ng biktima sa tindahan nilang de gulong sa tabi ng simbahan ng Quiapo, at sinalubong siya ng awtoridad at sinabing patay na ang biktima.