Ni Gilbert Espeña

ITATAYA sa unang pagkakataon ng walang talong knockout artist na si JayR Raquinel ang kanyang OPBF flyweight title laban sa Hapones na si Shun Kosaka sa Mayo 27 sa BigWave, Wakayama, Japan.

Mapanganib na pagdedepenesa ito ng korona ni Raquinel lalo’t kailangan niyang patulugin si Kosaka upang mapanatili ang kanyang korona at hindi maging biktima ng hometown decision.

Natamo ng 21-anyos at tubong Bacolod City, Negros Occidental na si Raquinel ang OPBF crown noong Marso 13, 2018 nang patulugin niya ang dating kampeon na si world rated Kaisuke Nakayama sa pamosong Korakuen Hall sa Tokyo, Japan.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Batambata pa rin si Kosaka sa edad na 22-anyos at ito ang unang pagkakataon na mag-aambisyon siya sa regional title target ang world ranking ni Raquinel na No. 15 sa WBC light flyweight division.

May rekord si Kosaka na 15 panalo, 3 talo na may 4 na pagwawagi lamang sa knockouts kumpara kay Raquinel na may kartadang 9-0-1 win-loss-draw na may 6 panalo sa knockouts.