Ni Bella Gamotea

Patay ang isang negosyante matapos pagbabarilin ng isang hindi pa nakikilalang suspek sa Pasay City, kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot nang buhay sa Ospital ng Maynila si Anthony Echavez y Francisco, 36, ng 1852 Cuyegkang Street, Barangay 4, Pasay City.

Ginagamot din sa naturang ospital si Orlando Buenaventura y Adormeo, 54, ng Cuyegkang St., Bgy. 4 ng nasabing lungsod, dahil sa tama ng ligaw na bala sa kamay.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), naganap ang pamamaril sa Cuyegkang St., Bgy. 4 sa Pasay, dakong 10:35 ng gabi.

Naglalakad si Echavez sa lugar nang pagbabarilin ng suspek.

Tiyempong nasa lugar din si Buenaventura at tinamaan ng ligaw na bala.

Mabilis na tumakas ang suspek na umangkas sa naghihintay na motorsiklo.

Patuloy na inaalam ang motibo sa pamamaril, gayundin ang pagkakakilanlan ng suspek at ng kasabwat nito.