Ni Orly L. Barcala

Namomoroblema ang mga magulang ng isang binata sa pampiyansa sa kanya matapos arestuhin sa paninigarilyo at nakuhanan pa ng umano’y shabu sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Nahaharap sa mga kasong paglabag sa Executive Order No. 26, City Council Ordinance No 67 (smoking in public place) at Violation of Art. 11 of R.A. 9165 si Norman Franco, 26, ng No. 62 Pio Valenzuela Street, Barangay Marulas ng nasabing lungsod.

Base sa report, nagpapatrulya ang mobile patrol ng Police Community Precinct (PCP) 9 sa kahabaan ng JP Rizal St., Bgy. Karuhatan, Valenzuela City, dakong 8:00 ng gabi.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nadaanan ng mga pulis si Franco na nakaupo sa gilid ng kalsada at naninigarilyo.

Sinita ang suspek at nang kapkapan ay nasamsaman ng isang pakete ng umano’y shabu.