Ni Nitz Miralles

NAPANOOD namin ang video ng concert ni Sarah Geronimo sa Las Vegas, part ng US tour ng kanyang This 15 Me 15th anniversary concert. Naging emotional si Sarah at sa harap ng audience, umiyak. Nagsalita siya at maraming taga-showbiz ang nakaka-relate lalo na ‘yung usapin sa schedule.

matteo at Sarah copy

“Ginusto ko pong maibahagi ang talent ko pero hindi pala ako handa sa mga kasama doon sa hiningi ko, lalung-lalo na ‘yung pressure to always do good, maging role model ka, maging perpekto ka. Mahirap po,” bahagi ng mga sinabi ni Sarah.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Sa meet and greet, nag-sorry si Sarah sa pagiging emotional, pero inintindi siya ng kanyang fans at sinabihang she has nothing to worry and that she did a good performance. Pinalakpakan siya ng kanyang fans kahit hindi siya kumakanta.

Nakarating siguro kay Matteo Guidicelli ang pag-iyak ni Sarah sa harap ng audience, kaya nag-post ng photos sa bakasyon nila sa Palawan at may heartwarming message para sa girlfriend:

“Keep walking, I’ll always be beside you. No matter what. I love you my love. And I miss you.”

Marami ang kinilig sa mga nakabasa ng message ni Matteo kay Sarah, pati mga kaibigan nila sa showbiz. Lalo ring hinangaan ang kanilang relasyon at umaasa ang lahat na silang dalawa na ang magkakatuluyan.