Ni Nitz Miralles

‘KAALIW bumisita sa Instagram (IG) account ni Glaiza de Castro dahil ‘pag nagpo-post ito ng tungkol sa pinagbibidahang Afternoon Prime na Contessa, hindi lang kapwa Kapuso stars at fans niya ang nagko-comment, pati kaibigang Kapamilya stars.

Glaiza copy

Madalas naming mabasa ang comments ni Angelica Panganiban na binibiro pa si Glaiza. Laging may punchline ang comment na nagpapakita sa malalim na friendship nila. Malabo lang matupad ang wish ng kanilang fans na magsama sila sa soap dahil magkaibang network. Puwede sa pelikula, kaya film producers ang dapat kalampagin ng fans.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa nababasa naman naming comments ng viewers, gusto nila ang pagbabago ng karakter ni Glaiza at bilang si Contessa, naging palaban na kasi ito at handang pumatay para maghiganti.

Sa isang TV interview, nabanggit ni Glaiza na hindi lang ang physical appearance niya ang binago, nag-training din siya at nag-aral bumaril para kapani-paniwala ‘pag humawak at nagpaputok na siya ng baril.

Samantala, makikisaya sa Calasiao Town Fiesta sa Pangasinan this Wednesday (May 2) sina Jak Roberto at Phytos Ramirez, dalawa sa mga kasama ni Glaiza sa Contessa.Bukod sa parehong kumakanta at sumasayaw, mag-i-enjoy ang audience sa pa-abs ng dalawa. Kailangan lang i-request na hubarin nila ang suot na t-shirt.