Ni Bella Gamotea

Nagkumahog ang mga motorista sa pagpapakarga ng kani-kanilang sasakyan upang makaiwas sa panibagong pagtataas ng presyo ng petrolyo na ipinatupad ngayong Martes, Labor Day.

Sa pahayag ng Shell, epektibo ngayong 6:00 ng umaga ay magdadagdag ito ng 85 sentimos sa kada litro ng gasolina, at 70 sentimos naman sa diesel at kerosene.

Kaagad namang sumunod ang Flying V at nagpatupad ng kahalintulad na dagdag-presyo sa petrolyo.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Asahan na ang pagsunod ng iba pang kumpanya ng langis sa oil price hike, na bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Abril 24 nang huling nagtaas ang oil companies ng 65 sentimos sa diesel at kerosene, habang 40 sentimos naman sa gasolina.