Ni ADOR SALUTA

SA presscon ng Single/Single: Love Is Not Enough, naitanong sa dalawang bidang sina Matteo Guidicelli at Shaina Magdayao ang opinyon nila tungkol sa pre-marital sex.

mATTEO AT sHAINA

Sa nasabing movie, nabuntis si Joee (Shaina’s character) ng ibang lalaki at pumayag si Joey (Matteo’s character) na maging foster father.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Taking his cue from the movie’s plot, Matteo cited how pre-marital sex may result to unexpected pregnancy outside marriage.

“It’s a choice. Everyone has free will so they can do what they want, kumbaga. But again, if someone gives birth, in the end it’s not a mistake, it’s a blessing,” sagot ni Matteo.

Ipinaliwanag pa niya kung paano niya naunawaan ang responsibilidad sa pagkakaroon ng anak o ang bigat ng pananagutan sa ibang tao at hindi sa pasariling kapakanan lang.

Binanggit niya na may mga kaibigan siyang napasubo sa unwanted pregnancy, nagkuwento siyang, “When I was in college before in America, abortion is legal there and everything.

“I’ve experienced friends that went to me because they got pregnant. They told me, ‘I formed a line with all those...’ Then goes crying because they got (an unborn baby) aborted...

“For me, then, it’s a red flag already. But just a red flag.”

Ngayon nasa wastong gulang na si Matteo, at may nakababata siyang kapatid na mahal na mahal niya, mas nakikita niya kung gaano kahalaga ang buhay.

“Today, I have a 10-year-old brother. I look at everything differently. It’s not just a red flag. It’s disturbing.

“It doesn’t make sense to my mind how you can abort a baby. It’s a human being. It’s just foul. If life is born as a gift, then it has to be cherished no matter what.”

Samantala, hindi direktang sumagot sa katanungan tungkol sa pre-marital sex si Shaina.

Pero tuwiran niyang ayaw niyang mapasok sa sitwasyon ng pregnancy outside the context of marriage.

“Well, ako, it’s still also my choice,” giit ng dalagang aktres na rumored girlfriend ni Piolo Pascual.

“And for me, no, I wouldn’t do kung anong ginawa ni Joee girl. But kung mangyari man sa akin, pananagutan ko rin po — kung saka-sakaling mangyari sa akin.

“Pero hindi po, eh. Hindi po siya nangyayari, so ‘yun po,” sey ni Shaina.

Ang Cinema One show na ginawa nang pelikula ay tungkol sa dalawang strangers na sina Joee (Shaina) and Joey (Matteo), na naging roommates sa isang condo unit.

Since the rom-com series first aired in 2016, Joee and Joey have turned into close friends-turned-lovers who struggle with challenges that beset modern-day young adults or millennials.

Sa finale ng season two, nag-confide si Joee kay Joey na nabuntis siya ng ibang lalaki.

Dito naman magsisimula ang pelikulang Single/Single: Love Is Not Enough, manganganak si Joee at pumayag si Joey na panagutan ang responsibilidad bilang foster father.

Makakasama nina Shaina at Matteo ang original cast ng serye na sina Cherie Gil, Ricky Davao, Anna Luna, Brian Sy, at JC Santos, mula sa direksiyon nina Veronica Velasco at Pablo Biglang-awa. Palabas na ito simula bukas.