Ni Orly L. Barcala

Nalagutan ng hininga ang isang negosyante, na sinasabing inatake ng sakit sa puso dahil sa sobrang init ng panahon, habang nagmamaneho ng kanyang sasakyan sa Caloocan City, nitong Linggo ng hapon.

Idineklara ni Dr. Jemma Maria Echiverre na dead on arrival sa Manila Central University (MCU) Hospital si Allan Chua, 46, ng June Street, Congressional Avenue, Quezon City.

Sa salaysay ni PO3 Michael Oplindo, sakay si Chua sa kanyang Ford Everest (ZRU-955) nang biglang sumubsob sa manibela sa 8th Street sa Barangay 93, Caloocan City.

Eleksyon

'Half-human, half-zombie' 'Rastaman', kakandidato bilang senador; pabor sa e-sabong

Nabulabog ang mga barangay tanod sa lugar dahil walang tigil ang pagbusina ng sasakyan ng negosyante makaraang madiinan nito nang sumubsob sa manibela.

Kaagad na tinulungang mailabas sa sasakyan si Chua para dalhin sa ospital, pero patay na ito.

Inihayag naman ng pamilya ni Chua na may sakit siya sa puso.

“Siguro po napagod at sobrang init naman ng panahon ng araw na iyon, kaya inatake,” ani PO3 Oplindo.