Ni NITZ MIRALLES

GINULAT nina Mikael Daez at Megan Young ang mga nakakita ng picture nilang dalawa habang hawak ng aktor ang kamay ng dalaga, kuha sa kanila sa tuktok ng isang bundok, na ipinost ni Mikael sa Instagram at may caption na, “OMG! We did it!!!”

Megan at Mikael copy

Inakala ng mga nakakita at nakabasa sa caption na nag-propose na si Mikael kay Megan. Pero kung babasahin ang karugtong na caption, false alarm pala.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“We climbed this beautiful hill! Hehehe... #notyet.”

Malinaw na walang nangyaring proposal at ang “we made it” na binanggit ni Mikael ay ang successful na pag-akyat nila sa bundok na hindi binanggit kung saan.

Pati si Ryan Agoncillo napa-comment ng, “Potah ka Bernie (pangalan ng karakter ni Mikael sa pinagsamahan nilang sitcom) na-excite akech.”

May mga kaibigan pa ang dalawa na nag-congratulate sa kanila at may kasamang emoji ng wedding ring ang messages. Napakasayang basahin ng comments sa post ni Mikael.

Pero natatandaan namin sa presscon ng The Stepdaughters na sinabi nina Mikael at Megan na kahit napag-uusapan ang paglagay sa tahimik, wala pa silang balak magpakasal. Sa kanya-kanyang career muna ang kanilang focus. Kaya huwag natin silang madaliin.