Ni Bert de Guzman

Nanawagan kahapon si Surigao del Norte Rep. Ace Barbers sa Commission on Elections (Comelec) na atasan ang lahat ng kandidato sa Barangay at Sangguniang Elections na sumailalim sa drug testing.

Nanawagan si Barbers, chairman ng House committee on dangerous drugs, matapos sabihin ng Comelec na hindi nito mapipilit ang mga kandidato na magpa-drug test.

Aniya, maaaring hilingin ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga kandidato na lumagda sa kasunduan na ipakikita at idi-display sa kani-kanilang barangay na kontra sila sa illegal drugs at kinokondena nila ito.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ngayong araw ihahayag ang mga pangalan ng barangay officials na umano’y sangkot sa droga.