Ni Mary Ann Santiago

Kalaboso ang isang cell phone technician nang maaktuhang naglalaro ng cara y cruz at makumpiskahan ng umano’y shabu sa Barangay Nangka, Marikina City, kahapon ng madaling araw. 

Sasampahan ng kasong illegal gambling at paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na si John Seavean Adenig, nasa hustong gulang, at residente ng naturang lugar.

Sa ulat ng Marikina City Police, nakatanggap ng tawag ang awtoridad hinggil sa isang grupo ng mga lalaki ang nagsusugal sa Alley 1, Balubad, sa Bgy. Nangka, dakong 2:00 ng madaling araw.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Agad sinalakay ang lugar at nagtakbuhan ang mga nagsusugal, ngunit nakorner ang suspek.

Kinapkapan si Adenig at nakuha ang isang pakete ng umano’y shabu at agad binitbit sa presinto.