Ni Anthony Giron

GENERAL TRIAS CITY, Cavite - Napatay ng pulisya ang isa umanong drug pusher matapos umanong manlaban sa buy-bust operation sa General Trias City, Cavite, kahapon ng madaling araw.

Dead-on-the-spot ang suspek, na kinilala sa alyas Bumbay, dahil sa mga tama ng bala ng baril sa katawan.

Nagsagawa ng kampanya ang pulisya laban sa droga at nakipagtransaksiyon ang suspek sa tauhan ng General Trial City police sa Tropical Village (Pabahay) sa Barangay San Francisco, dakong 12:45 ng madaling araw .

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

“The operatives were forced to shoot ‘Bumbay’ after he fired his .9mm pistol as he resisted the arrest,” saad sa report ng pulisya.