Ni Jimi Escala

NANINIWALA si Boy Abunda na mas napapangalagaan ang privacy ng isang showbiz personality kung walang social media account.

Boy copy

Kaya sang-ayon si Kuya Boy sa ginagawa ng mga sikat na artista na hindi kabilang sa mga nagsiksikan at naglalabas ng kung anu-ano sa social media.

Zeinab, mas iba ang ganda ngayon dahil may 'dilig' na tama

Ayon sa host ng Tonight With Boy Abunda, isa lang ang social media account niya, ang fan page niyang Boy Abunda Official na nagagamit lang niya para sa shows at ginagawang projects.

Hindi raw lahat ng mga nangyayari sa buhay o career niya ay idadaan niya sa social media.

Kahit limitado ang mga inilalabas niya sa kanyang social media account ay may mga natatanggap pa rin siyang bashing.

Kaya dapat daw ay marunong mag-handle ng bashers ang lahat, dahil para sa Kapamilyang TV host ay nakakakanser ang bashers.

“Ang dami ko nang laban na pinagdaanan sa buhay ko. Sarili kong laban, laban ng pamilya ko, laban ng kaibigan, laban ng iba. Nakakapagod. Palagay ko walang mas nakakapagod makipaglaban sa mga taong hindi mo kilala,” sey ng King of Talk.

Sa punto ng buhay niya ngayon ay sapat nang kilala niya ang kanyang sarili at alam niya kung ano ang mali at tamang nagawa niya.

“At this point in my life, I’m matured enough to know who I am, what I do right and what I do wrong. Hindi ko na masyadong kailangan ng bashers or friends to tell me that.

“Pero once in awhile you validate your own opinions, bashing can cause cancer,” lahad pa ng nag-iisang Boy Abunda.