Ni Fer Taboy at Bella Gamotea

Patay ang tatlo umanong tulak ng ilegal na droga sa anti-drug operation sa Cavite at Laguna, nitong Sabado ng gabi at Linggo ng madaling araw.

Ayon kay Chief Supt. Guillermo Eleazar, director ng Calabarzon Police Office, dalawa sa mga suspek ang kinilalang sina alyas Bumbay, ng General Trias, Cavite; at Jerwin Bartolazo ng Biñan City, Laguna. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng kasama ni Bartolazo.

Ayon sa pulisya, namatay si Bartolazo at ang kasama nito sa buy bust operation sa Barangay Platero, Biñan City, dakong 9:30 ng gabi nitong Sabado.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ayon kay Eleazar, si Bartolazo ay nahaharap sa kasong murder at nakuhanan ng tatlong armas na ang isa ay nadiskubre laruan.

Ibinulagta naman si Bumbay dakong 1:00 ng madaling araw kahapon.

Nabawi mula sa kay Bumbay ang hinihinalang shabu, na nagkakahalaga ng P8,000, at cal. 9mm pistol makaraang makipagbarilan sa mga pulis sa kasagsagan ng transaksiyon.