Ni REGGEE BONOAN

GOOD vibes ang dulot ng Bagani sa pagsasama ng dalawang pinakamagagandang mukha sa showbiz.

liza tin

“Grabe, nagkita na sina Ganda at Malaya, grabeeee ang ganda nila!”

Netizens nanggigil sa bortang katawan ni Sam Concepcion; tinawag na ‘daddy’

Ito ang laman ng mga mensaheng sunud-sunod naming natanggap namin mula sa mga nanonood ng Bagani nitong Miyerkules ng gabi habang nakapila kami para manood ng Avengers Infinity War sa Gateway Mall.

Si Ganda ay si Liza Soberano at si Malaya ay si Kristine Hermosa sa Bagani at base sa umereng episode nitong Biyernes ay isinama ng huli ang una sa isang ligtas na lugar.

In fairness, hindi halatang mahigit 20 taon ang agwat ng edad ni Kristine kay Liza. Napakaganda pa rin ng wifey ni Oyo Sotto. May apat na silang anak.

Anyway, matatandaang nagapi ni Sarimaw (Ryan Eigenmann) si Ganda kaya siya napunta napunta sa ibang lugar at ikinulong naman ng asawang si Bathala (Raymond Bagatsing).

Sa kabilang banda ay nagkaayos na sina Lakas (Enrique Gil) at Dakim (Christian Vasquez) dahil humingi na ang huli ng isa pang pagkakataon at itutuwid na nito ang lahat ng pagkakamali na pinagbigyan naman ng bida ng Bagani.

Itinuwid na rin ni Lakam (Matteo Guidicelli) ang pagkakamaling pakikinig sa sulsol ng tatay niyang si Ama (Robert Seña) kaya bumalik na siya grupo ni Lakas.

Anyway, sa isang eksena pa lang ipinakitang magkasama sina Ganda at Malaya kaya nabitin ang viewers at sana raw damihan ang eksenang magkasama sila.

Abangan kung paano mawawala ang kapangyaihan ni Sarimaw na pagtutulungan nina Lakas, Lakam, Dakim at kasamahan nito.