Ni Orly L. Barcala

Habang isinusulat ang balitang ito, kritikal ang isang bodybuilder nang pagtulungang gulpihin at saksakin ng dalawang lalaki sa loob ng gym sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Nakaratay sa Jose Reyes Memorial Medical Center si Prince Derick Principe, 20, ng Barangay San Roque ng nasabing lungsod, dahil sa saksak ng basag na bote sa sikmura at mga pasa sa mukha.

Nakatakas ang dalawang suspek na ang isa ay kinilalang si Angelo Mesina, nasa hustong gulang.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Base sa ulat, naganap ang insidente sa loob ng gym sa M Naval Street, Navotas City, pasado 7:00 ng gabi.

Kadarating lang ni Principe at nagpalit ng damit para sa kanyang bodybuilding session nang lapitan at pagtulungang gulpihin ng mga suspek.

Hindi pa nasiyahan si Mesina at kumuha ng basag na bote saka itinarak sa biktima at kumaripas palayo.

Patuloy na inaalam ang motibo sa insidente.