TAGUM, Davao del Norte -- Pormal nang binuksan ng Philippine Sports Commission (PSC) ang Indigenous Peoples Games (IPG) kahapon na ginanap sa Provincial Sports Complex dito.

Isang simple at makulay na Opening Ceremonies ang pinamalas ng mga katutubong tribo kasama ang kani kanilang mga pinuno.

Nagbigay ng kanilang maikling mensahe sina PSC commissioner Ramon Fernandez at Charles Maxey na tuwang tuwa sa nasabing proyekto na sinuportahan ng mga Local Government Units (LGUs) at mga pinuno ng tribo.

Ipinakilala sa nasabing seremonya ang isport ng mga tribo dito na kung tawagin ay "Basket sa Likod" na mistulang basketball games sa pangkaraniwang isport.

UAAP season 87 nagsimula na; Ateneo at UP, mauunang magbakbakan

May 10 manlalaro sa kabuuan sa nasabing sport kung saan Lima sa bawat koponan na ang tema ay depensahan ang buslo o basket na nakasabit sa likod ng kakampi upang hindi makapuntos ang kalaban.

"Nasisiyahan ako dahil matapos ang mga meetings ay natuloy din. Layon ng PSC na ipreserba ang kanilang kultura at mga laro na talaga ng bahagi na ng kanilang tradisyon," ani Maxey..

Nilahokan ng pitong tribo buhat sa siyam na LGUs na galing sa dalawang siyudad ang nasabing IP Games na magtatagal hanggang bukas ng hapon para sa Mindanao leg. Annie Abad