Ni Marivic Awitan

MATAPOS ang kabiguan ng National University sa nakaraang Final Four round sa kamay ng reigning women’s champion De La Salle, itutuon naman ng kanilang mga standouts na sina Aiko Urdas, Jorelle Singh at Jasmine Nabor ang kanilang pansin sa nalalapit na pagbubukas ng Philippine Volleyball League (PVL).

Bahagi ang tatlo ng bagong koponang PayMaya na sasabak sa darating na PVL Reinforced Conference sa Mayo 6.

Gagabayan ang koponan ng muli-titled coach na si Roger Gorayeb.

After 28 years: Thomasian student, naka-gintong medalya sa World Taekwondo Junior Championship

Kabilang din sa koponan na gaya nina Nabor ay naging miyembro ng koponan ng Balipure na nagkampeon sa unang PVL Open Conference na sina 3-time NCAA MVP Gretchel Soltones at Alyssa Eroa kasama si dating league Best Libero Lizlee Ann Pantone at mga dati nilang kakampi sa San Sebastian College na sina Joyce Sta. Rita at Kat Villegas.

Sasamahan sila nina Jerrili Malabanan, Czarina Carandang, Angel Cayuna at Celine Domingo ng Far Eastern University Lady Tamaraws.

Ayon kay Gorayeb, kasalukuyan silang nakikipag-usap sa kanilang magiging imports na inaasahan nilang matatapos sa linggong ito.

“Under negotiation pa. But hopefully next week meron na, “ ani Gorayeb tungkol sa kanilang dalawang imports na inaasahan nilang pupuno ng kanilang gitna.