Ni Fer Taboy

Iniimbestigahan ng pulisya ang pananambang at pagpatay sa isang magpinsang kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections, sa Barangay Notong sa Pualas, Lanao del Sur.

Kinilala ng Pualas Municipal Police ang mga biktimang sina Jabber Saripada Tanog, 37; at Ayno Abdul Saripada, 31, parehong taga-Bgy. Notong, Pualas.

Nakaligtas naman sa insidente ang isang lalaki na nasa kustodiya ni Senior Supt. Ronald Briones, hepe ng Lanao del Sur Police Provincial Office.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nabatid na pauwi na ang magpinsan, kasama ang testigo, nang bigla silang harangin ng mga armadong lalaki at ilang beses na pinagbabaril ang mga biktima.

Batay sa salaysay ng saksi, posibleng mga kaanak ng magpinsan ang responsable sa krimen, dahil magkakalaban sa pulitika ang magkakaanak.