Ni Reggee Bonoan

PURO ngiti lang ang sagot sa amin ng mag-inang Sylvia Sanchez at Arjo Atayde kung sino ang mamatay bukas sa pagtatapos ng Hanggang Saan serye nila dahil sa umeereng kuwento ngayon ay inuutusan ni Jacob (Ariel Rivera) ang aktres na patayin ang mga anak.

Arjo Atayde

Inamin din ni Arjo na kapag nangyari iyon sa tunay na buhay ay hindi niya alam ang gagawin pero tiyak na ibibigay niya ang buhay niya para iligtas ang pamilya niya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Tinanong din namin si Ibyang kahapon habang tinitipa namin ang balitang ito kung sino kina Paco (Arjo) at Domeng (Yves Flores) ang mapapatay niya base sa utos ni Jacob. “Sekreto ‘yan!” tanging sagot sa amin ng aktres.

Sinabi ng taga-production na madugo at ma-aksyon ang pagtatapos bukas ng Hanggang Saan lalo na sa karakter ni Anna (Sue Ramirez).

Ang tanong, sino ang papatay kay Jacob o mabubuhay siya at balik kulungan? Mabubuhay kaya sina Sonya, Paco, at Domeng?