Ni Bella Gamotea

Sugatan ang anak ng konsehal ng Makati City makaraang tamaan ng ligaw na bala sa loob ng kanilang bahay sa lungsod, nitong Martes ng hapon.

Tinamaan ng bala sa kaliwang braso si Rizza Loren Pasia, anak ni City Councilor Nelson Pasia, habang nasa loob ng kanilang bahay sa No. 248, Anahaw Street, Barangay Comembo, Makati City, dakong 10:00 ng gabi.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), nakatanggap ng tawag ang Investigation Branch ng Makati City Police kaugnay ng insidente, bandang 11:00 ng gabi.

Eleksyon

Diwata, nabudol nga ba ng sinalihang party-list?

Agad nagtungo ang mga imbestigador sa bahay ng pamilya Pasia at i-tinurn over sa kanila ng konsehal ang isang hinihinalang .9mm fired bullet.

Sa ocular inspection, tumama ang bala sa bubungan ng bahay at tumagos sa kisame hanggang sa tumama kay Rizza.

Nagsasagawa na ng follow-up operation upang matukoy kung sino ang nagpaputok ng baril sa lugar.