Ni Ador V. Saluta

MULING ibinahagi ni Kris Aquino ang role niya sa Hollywood movie na Crazy Rich Asians, kung saan gumaganap siya bilang isang prinsesa. Nakatakda ang premiere ng movie sa United States, sa Agosto 17.

Sa nakaraang panayam kay Kris about the movie premier sinabi niyang, “I have no idea [kung kailan ang Asian premiere]. Ayaw ko namang magpaka-feeling. Dadalawa lang naman ang eksena ko, pero prinsesa ako.”

Inilahad ni Kris na first trailer pa lamang ng Crazy Rich Asians ang inilabas kamakailan.

Relasyon at Hiwalayan

Jericho, ibinahagi 6-hour date nila ni Janine

Sa CRA official trailer ipapakita ang extravagant lifestyles ng mga tulad niyang mula sa Asia filled with couture outfits, fancy cars, at mararangyang tirahan. Hindi nakita sa trailer si Kris.

Katatapos lang pumirma ng aktres ng one-picture contract sa Star Cinema kasama ang tambalang Joshua Garcia at Julia Barretto para sa pelikulang pinamagatang I Love You, Hater, which will be directed by Giselle Andres.

Binanggit ni Kris na nakatanggap siya ng alok from other film production outfits.

“There are four projects pitched to me, also one from Quantum. Meron din yung sa iFlix, yung kay Direk Paul [Soriano] and ito.”

Ayon sa Warner Bros. Pictures, nakatakdang ipalabas ang Crazy Rich Asians sa mga sinehan sa Pilipinas sa Agosto 22, 2018.

Sinabi noon ni Kris na may “very special appearance” siya sa pelikula, na halaw sa worldwide bestseller novel ni Kevin Kwan.

“I play royalty, so bongga na yun!” bulalas ni Kris.

Kinunan ang Crazy Rich Asians sa Singapore at Malaysia.