KABUUANG 252 ang kompirmadong syasyapol sa 2018 World Pitmasters Cup (Fiesta Edition) 9-Cock International Derby simula sa Sabado (April 28) sa Newport Performing Arts Theatre sa Resorts World Manila.

Nakatakda ang laban sa April 28 hanggang Mayo 5 at host sina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, RJ Mea at Thunderbird’s two top endorsers Engr. Sonny Lagon & Gov. Eddiebong Plaza, sa pakikipagtulungan ni Ka Lando Luzong at Eric dela Rosa at suportado ng Thundebird Platinum – sa paluan ‘di mauunahan.

May basbas ng Games & Amusements Board, sa pamumuno ni Chairman Baham Mitra, ang 2018 World Pitmasters Cup 9-Cock International Derby ay nay nakalaang P15 milyon guaranteed cash prize para sa entry fee na P88,000 at minimum bet na P55,000.

Ang 2-cock eliminations ay sa April 28 (Group A) & 29 (Group B), habang ang 3-cock semis ay sa April 30 (Group A) & May 1 (Group B).

Angelica Yulo, ibinida training ng mga anak sa Japan

Ang mga may iskor na 3-3.5 ay sasagupa sa 4-cock finals sa May 3, habang ang mga manok na may iskor na 4, 4.5 & 5 puntos ay ilalarga sa Mayo 5 para sa 4-cock grand finals.

Ang submission ng weights para sa lalaban sa 2-cock preliminaries sa Sabado ay ganap na 10:00 ng umaga hanggang 2:00 ng hapon.

Para sa slot reservations, makipag-ugnayan sa cellphone numbers 0927-8419979.