TAGBILARAN, Bohol -- Sinalubong ni Melody Perez ang pagsikat nang haring araw sa pagsungkit ng unang ginto sa athletics sa 3000m women sa 2018 National PRISAA Athletics competition na sinaksihan nang maraming nanood sa Carlos P. Garcia Sports Complex.

Determinadong manalo at iwaksi ang kabiguan nalasap sa nakaraan taon sa Zambales kung saan tumapos siya sa fourth place sa event na napanalunan ni Mary Joy Motin, binawian ni Perez and defending champion na taga-Calabarzon sa naitalang tyempo na 11:33.81.

Nabigo si Motin na sumegunda sa oras na 11:34.15 at pangatlo si Rodelyn Onato ng Western Visayas (11:37.43).

Ilang minuto ang nakaraan matapos manalo si Perez, sinungkit nina Joseph Reynold Casa at Hazel Paggaduan ng Cagayan Valley ang ginto sa secondary boys at girls shut put at inangkin nang kanilang teammate na si Coreline Hidalgo ang pilak sa women junior division na napagwagian ni Shanine Sanchez ng Region X sa 10.35 meters.

₱5M-worth na SUV ni Caloy, naibigay na ng Toyota

Binulsa ni Casa ang ginto sa layomg 12.50 meters at inangkin ni Paggaduan an karangalan sa hinagis ang iron ball may distansiya 9.60 meters.

“Talagang pinaghandaan ko ito. Araw-araw akong nag training bilang paghahanda dahil gustong manalo at makalimutan ko yung kabiguan ko nakaraan taon. Masaya ako lahat na paghihirap ko sa training nagkaroon katuparan,” masayang sinabi ni Perez taga Butuan City at naglalaro sa Central Visayas.

Nakatakdang sumabak si Perez sa 1500m at 10,000m at determinado ang 20 years old physical education student na manalo at kumpletuhin and perfect 3-for-3 niya sa Zambales sa nakaraan taon.

Nakuha ni Perez ang ginto matapos magsalita si Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Ramon Fernandez at Makati Congressman at taekwondo secretary general Monsour del Rosario sa opening ceremonies na dinaluhan nina Governor Edgar Chatto, Mayor John Geesnell Yap at PRISAA president at dating PSC Commissioner Fr. Vic Uy.

Bigo man sa unang araw sa athletics kung nanalo nang isang pilak bigay ni Caceres, bumawi naman ang mga Bicolanos tinalo ang MIMAROPA, 25-21, 25-17, sa men’s volleyball kung saan somosyo ang Region IV-A kontra Central Luzon, 25-23, 25-17.

Sa women softball, nanaig ang Western Visayas laban sa Central Visayas, 19-0 at Cordillera Autonomous Region pinisak ang Region X, 7-0.

Kasalukuyan nilalaro ang ibang sports kasama ang swimming sa Victorino D. Tirol Advanced Learning Center pool