Ni NORA V. CALDERON

ISA sa top-rating primetime series sa GMA 7 ang Kambal Karibal, na nagsimulang umere noong November 27, 2017. Dapat ay isang season lang ito hanggang February, 2018, pero na-extend pa ito ng ilang weeks. Tila totoo ang balita na hanggang June, 2018 pa sila matatapos dahil mismong ang netizens na sumusubaybay dito ang nakikiusap na huwag munang tapusin dahil baka raw maging bitin ang finale kung hindi mabubuo ang story ngayong lalo na itong kapana-panabik panoorin.

Kyline at Bianca - KK copy

Sayang nga raw lamang at nawala na ang characters nina Dr. Emmanuel de Villa (Christopher de Leon) at Lola Anicia Enriquez (Ms. Gloria Romero) kaya nakikiusap ang fans na hindi mawawala sa serye sina Geraldine Enriquez-de Villa (Carmina Villarroel), Allan Magpantay (Alfred Vargas), Raymund de Villa (Marvin Agustin) at Teresa Abaya (Jean Garcia).

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Nakatutok ang netizens kung paano mababawi ni Crisan (Bianca Umali) ang katawan niya habang nakasanib naman ang kanyang kaluluwa sa katawan ng masamang kakambal na si Crisel (Pauline Mendoza). Ang kaluluwa kasi ni Crisan ay nakasanib sa katawan ni Cheska (Kyline Alcantara) at gusto nilang malaman kung mabubuhay ba si Cheska sakaling lumabas na ang kaluluwa ni Crisan sa kanya?

Gusto rin nilang malaman kung si Jake Vargas ba ang magiging bagong katambal ni Kyline, paano raw si Jeric Gonzales as Makoy, na bff na ni Cheska at ngayon sila na ang gusto ng mga fans nila na maging magka-love team? Niri-request din ng mga netizens na habaan pa ang mga eksena ni Nori o si Freeny (Chesca Salcedo). Kailan din daw maniniwala si Diego (Miguel Tanfelix) na hindi ang tunay na Crisan ang lagi niyang kasama. May nag-tweet nga kay Miguel ng “Pare, hindi si Crisan yung jowa mo, katawan lang ni Crisan yon pero si Crisel iyon, i-break mo na yun, bahala ka, concern lang ako sa ‘yo!” na sinagot naman ni Miguel ng “Thank you so much sa concern pare.”

Nakakatuwa rin na si Alfred ay tinatawag na ng mga netizens ng “Bebe ko” at hindi na Allan, dahil iyon ang tawag sa kanya ni Teresa. Ano naman kaya ang magiging result ng pagpipilit ni Raymund na mabawi niya si Geraldine at ni Teresa ang Bebe niya?

Napapanood ang Kambal Karibal pagkatapos ng Sherlock Jr. na nasa finale week na ngayon.