Ni Mary Ann Santiago

Hindi nakalusot sa awtoridad ang dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo sa checkpoint sa Barangay Marikina Heights, Marikina City kamakalawa.

Sa ulat ng Marikina City Police kay Eastern Police District (EPD) Director Police Chief Supt. Reynaldo Biay, inaresto ang mga suspek na sina Danilo Bello at Geraldo Meren, kapwa nasa hustong gulang, sa checkpoint sa West Drive Street, kanto ng Narra St., sa naturang barangay, dakong 11:30 ng gabi.

Nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng Police Community Precinct 9 (PCP-9) sa isang Comelec checkpoint s a n a t u r a n g l u g a r nang mamataan ang mga suspek, na magkaangkas sa motorsiklo, na ‘for registration’ ang plaka, kaya pinara nila ito.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Ngunit sa halip na huminto, tinangka pa umano ng mga suspek na tumakas kaya hinabol nila ito at nang makorner ay agad kinapkapan.

Nakuha kay Bello ang isang kalibre .9mm pistol, na kargado ng limang bala, habang isang patalim naman ang narekober kay Meren.

Nadagdagan pa ang kaso ng mga suspek nang mabigong magpakita ng driver’s license at OR-CR ng kanilang motorsiklo.