TINUTUKAN ng mas maraming Pilipino ang saya at kilig na hatid ng romantic drama series na Since I Found You na nagsimula noong Abril 16, kaya naman agad din itong nanguna sa national TV ratings.

Pumalo ang serye na pinagbibidahan nina Arci Muñoz, Alessandra de Rossi, JC De Vera, Empoy, at Piolo Pascual ng national TV rating na 22.1%, kumpara sa katapat nitong The One that Got Away na nakakuha lamang ng 14.2%, ayon sa datos ng Kantar Media.

Umabot din ang kilig hanggang sa social media matapos maging trending topic sa Twitter ang official hashtag ng palabas na #SIFYTheEncounter na umani ng libu-libong tweets.

Hindi rin napigilan ng netizens na ibahagi ang kanilang positibong komento sa palabas online at pagkasabik sa pinakabagong serye ng ABS-CBN.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Hindi ka talaga bibiguin ng ABS-CBN pagdating sa mga teleserye. Masasabi mo talagang hindi ‘mema-palabas lang.’ From the story to the casts, congrats agad,” tweet ni @rvyours.

“Ganito dapat mag-umpisa ang pilot episode. Yung acting nilang lahat superb agad, then may Charo Santos pa. Tapos winner ang casting pati storyline. Good job,” papuri naman ni @Synnovea9. Tampok sa naturang episode ang special appearance ni Charo bilang ang ina ng batang Nathan (Piolo) na iniwan siya at ang kanyang mga kapatid noong mga bata pa lamang sila.

“Ito ang seryeng kailangan natin. Kahit anong timeslot, pwede,” sabi naman ni @celineanne08.

Sa unang episode ng serye, nagkainitan agad sa unang pagtatagpo sina Nathan (Piolo Pascual) at Dani (Arci Muñoz) matapos magkasagutan ang dalawa sa isang bar. Ngunit muli silang pagtatagpuin ng tadhana dahil si Nathan ang may-ari ng kumpanyang papasukan ni Dani bilang isang practicumer, na babago sa takbo ng kanilang mga buhay.

Paano nga ba magkakasundo ang magkalayong puso nina Nathan at Dani?

Panoorin ang Since I Found You gabi-gabi sa Primetime Bida sa ABS-CBN at ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).