Ni Mary Ann Santiago

Sugatan ang isang rider nang mabangga ng kanyang motorsiklo ang isang pampasaherong jeep sa Quezon Bridge, sa Quiapo, Maynila kamakalawa.

Kasalukuyang nagpapagaling sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) si Jessy Flores, nasa hustong gulang, at residente ng Paquita Street, Sampaloc, Maynila. Siya ay nagtamo ng mga sugat sa ulo at katawan habang iniimbestigahan na ang jeepney driver (TXT-306) na si Mario Buates, 46, ng Camarin, Caloocan City.

Sa imbestigasyon ni SPO4 John Cayetano, ng Manila Police District (MPD)-Vehicle Traffic Investigation Section (VTIS), naganap ang aksidente sa northbound ng Quezon Bridge, sa Quiapo, dakong 7:45 ng gabi.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Sakay si Flores sa kanyang motorsiklo (Yamaha STX 4) at binabaybay ang naturang tulay nang makita ang jeep ni Buates, na noon ay nakahinto dahil sa masikip na daloy ng trapiko.

Biglang preno si Flores, ngunit hindi kinaya at bumangga pa rin ang kanyang motorsiklo sa jeep ni Buates hanggang sa sumemplang.

A g a d s u m a k l o l o a n g paramedics ng Metro Manila Development Authority (MMDA), at isinugod ang biktima sa ospital.