Ni Ador V. Saluta

INABUTAN ng Boracay closure ang event ng SR Foods maker ng Shaolin Liniment ang “Dance By The Beach Fitness Party”, featuring the dance diva, Regine Tolentino na nakatakda sanang ganapin sa Boracay.

OPTIONAL_Regine copy

Dahil inabisuhan ang kanilang prodyuser na isasara ang Boracay sa April 26, naghanap sila ng mala-Boracay na venue na mapagdarausan ng nasabing beach party. Masuwerte naman ang SR Foods dahil nag-offer ang Aureo Beach, La Union na dito na gawin ang taunaqng dance party with Regine. Sa April 28 na idadaos ang fitness party, mula 4pm to midnight.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Sa presscon ng Dance By The Beach Party event, ibinahagi ni Regine ang kanyang excitement at paghahanda para sa pagpapatuloy ng kanyang adbokasiya sa pagsasayaw bilang exercise.

“As a licensed professional, it’s important to prepare the music, the choreography na babagay sa atin so I’m expecting guests from all ages, a routine the everybody can follow so everyone can have a good work out,” bungad ni Regine.

Ibinunyag ni Regine na isa siya sa mga humahanga sa bagong henerasyon ng dancing queens na sina Maja Salvador at Yassi Pressman, na napapanood tuwing linggo sa ASAP.

“Well they’re doing a great job! I loved watching them. I love the energy as well,” sabi ni Regine.

“Ang advice ko lang siguro just keep reinventing yourself and just keep learning. Like ako, until now I just keep different types of dance to stay in shape and that’s its they’re on the right track na and I hope to collaborate them someday for a dance concert in the future,” saad pa ni Regine.

Speaking of ASAP, may kuwento din si Regine sa naging pagkikita nila ni Johnny Manahan kamakailan dito.

Isa si Regine sa mga naunang batch ng Star Magic kung saan siya nakilala.

“Nagkita po kami, last month sa ASAP and I gave him my album so like I really felt like ‘o kita mo pinipilit mo ako magka-album and ito na ngayon lang ako nagka-album.’ He’s very proud of me. Yun nga he knows I’ve made mistakes along the way.”

Aniya, malaki din daw ang utang na loob niya sa Star Maker dahil sa tiwala na ipinagkaloob sa kanya nito.

“Ang laki ng utang na loob ko talaga kay Mr. M dahil kung hindi dahil sa kanya I’d never have a chance to get in to this business.”