ITINUTURO nina Jr. NBA camp coach Carlos Barroca at Jeffrey Cariaso sa campers ang tamang porma sa pagdepensa sa ginanap na Jr. NBA Camp nitong weekend sa Don Boco Makati.
ITINUTURO nina Jr. NBA camp coach Carlos Barroca at Jeffrey Cariaso sa campers ang tamang porma sa pagdepensa sa ginanap na Jr. NBA Camp nitong weekend sa Don Boco Makati.

KABUUANG siyam na lalaki at 16 na babae ang napili sa Manila Regional Selection Camp ng Jr. NBA Philippines 2018 na itinataguyod ng Alaska nitong weekend sa Don Bosco sa Makati City.

Makakasama ang 25 campers sa Jr. NBA All-Star National Training Camp na binubuo ng mga napili mula sa ginawang camp sa Bacolod, Baguio at Butuan sa Mayo 18-20.

Umabit sa 800 players ang nakiisa sa NBA’s global youth basketball program sa Don Bosco Technical Institute sa Makati nitong April 21. Napili ang 50 lalaki at 32 babae na sumabak sa advanced drills at team scrimmages.

John Amores, hindi banned sa liga; hatol ng PBA, pansamantalang suspensyon

Sa ikalawang araw ng camp, pinili ng coach at trainors ang 25 players natay sa kanilang ipinamalas na galling at character na nakabatay sa S.T.A.R. values of Sportsmanship, Teamwork, a positive Attitude and Respect.

Ang mga napili ay sina Jeremy Gabriel Felix, 14, ng Ateneo de Manila University; Joshua Minguillo, 13, ng Anorama Montessori Binan; Lionel Matthew Rubico, 13, ng De La Salle Lipa; Raphael Tolentino, 13, ng International School of Better Beginnings; Kim Aaron Tamayo, 13, ng National University; Rhon Khaniel Telles, 13, ng St. Anthony de Carmelli; Robert Janus Torres, 14, ng Victorious Christian Montessori; Dranreb Aeron Singson, 14, at Rodelio Tomas, 14, ng Escuela de Sophia Caloocan sa boys division.

Sa girls division, nakuha sina Yza Camila Shalea Alarcon, 14, ng New Era High School; Franzelle Angela Chelzea Besa, 14, ng Divine World College of Calapan; Franchesca Isabela Buenvenida, 11, ng Mother of Divine Providence School; Merylle Angelica Cuasay, 12, ng Adriatico Memorial School; Jay Anne Marie Lachica, 12, ngSta. Clara Parish School; Erika Nadine Tenorio, 12, ng School of the Holy Spirirt Quezon City; Justine Valdes, 13, ng Saint Pedro Poveda

College; Ghemrie Hashley Garcia, 13, at Valerie Ruth Mapalad, 13, ng Child Jesus of Nazareth School, Arianne Amber Esquivel, 14, at Kyla Marie Mataga, 13, ng De La Salle Zobel; Juliana Yap, 13, at Marielle Vingno, 14, ng Escuela de Sophia Caloocan at Maria Juliana Abella, 13, Isabela Louise Gonzales, 12, at Aaliyah Mai Reyes, 12, ng Saint Paul College Pasig.

May pagkakataon ang finalists mula sa National Capital Region na napili ng Jr. NBA evaluation committee, sa pangunguna nina Jr. NBA head coach Carlos Barroca at PBA Legend Jeffrey Cariaso ng Alaska, na mapabilang sa 16 Jr. NBA 2018 All-Star na makakasama sa NBA kasama ang mga counterpart mula sa Southeast Asia.

“These kids showed true quality, intensity, and a real passion for basketball,” pahayag ni Jr. NBA head coach Carlos Barroca. “I hope all our participants continue to show their love for the game, keep working hard and follow their dreams.”