Ni REGGEE BONOAN

Sa pagpatak ng alas dose ng hatinggabi ng Abril 19 ay nag-post si Kris Aquino ng collage picture ng bunso niyang anak na si James Aquino Yap o Bimby at may caption na, “ 4 PM, April 19, 2007, a day that forever changed my life…. HAPPYBIRTHDAYMYBEST FRIEND!”

Nagising naman si Bimby na punumpuno ng asul na balloons sa loob ng kuwarto nila sa hotel at may character balloons din bukod pa sa birthday card.

“Sharing the video of how we woke the birthday boy up,” post ni Kris.

Events

Listahan ng mga nagwagi sa 2024 MMFF Gabi ng Parangal

“Iwish for my mama’s happiness,” ang wish ni Bimby bago i-blow ang mga kandila sa dalawang cake.

Tuwang-tuwa naman si Kris sa narinig at sabay biro ng anak, “Nahh, I’m just kidding. But I’m always make you happy” sabay halik sa mama niya.

Samantala, nakita namin ang business manager ni Kris for digital na si Nico Falcis sa ABS-CBN nitong Martes ng hapon na kausap ang handler ni Erich Gonzales for a possible project daw at hindi pa binanggit kung ano iyon.

Tinanong namin si Nico kung kailan ang dating ni Kris at nabanggit na ngayong araw, Biyernes, at makikipag-meeting na rin daw sa Star Cinema.

“Wait na lang po natin kung ano ang ipo-post ni Madam since nagsabi naman na siya ng ‘go confirmation’ for this Friday,” say ni Nico.

Plantsado na ang script ng pelikulang gagawin ni Kris sa Star Cinema at tinanong namin kung sino ang loveteam na makakasama ng Queen of Online World at Social Media.

“Wait na lang po natin si Madam na mag-announce,” magalang na sabi ni Nico.

Kaya kaabang-abang talaga ngayong araw ang muling pagtuntong ni Kris sa ABS-CBN/Star Cinema.