Ni Nitz Miralles

TWO days lang nawala sa social media si Sharon Cuneta dahil kahapon, balik-Instagram (IG) na siya at ang una niyang post ay ang pasasalamat sa gumawa sa kanyang manicure at pedicure.

Sharon copy

Natuwa ang fans ni Mega sa pagbabalik niya sa social media dahil makakabasa na naman sila ng update nito. Ngunit may mga hindi rin natuwa dahil hindi raw pinatagal ni Sharon ang socmed break niya. Ang nangyari, ang fans at bashers ni Sharon na ang nag-aaway. Sana ay hindi ito maging rason para mag-socmed break uli si Sharon at mas tagalan na niya ang pagli-leave.

Pelikula

Hello, Love, Again natalbugan ang Rewind; netizens, nag-aaway sino bumitbit ng pelikula

Ang ini-issue kay Sharon, nagpaalam daw na magbi-break sa socmed, pero ang bilis daw. Tama ang sagot ng fans ni Mega na “pakialam” ba ng bashers, eh sa gusto na uling magpaka-active ni Sharon sa IG. Madaling remedyuhan ang inis o galit nila, i-unfollow nila si Sharon.