Ni Bella Gamotea

Habang isinusulat ang balitang ito, nag-aagaw buhay sa ospital ang isang binatilyo makaraang barilin ng isang bagitong pulis sa Taguig City, nitong Martes ng gabi.

Inoobserbahan sa Taguig- Pateros District Hospital si Joven Manalastas y Serddan, 19, ng No. 51 Purok 5, V.P. Cruz Street, Barangay Lower Bicutan ng nasabing lungsod, na tinamaan ng bala sa ulo.

Pinaghahanap naman ng Taguig City Police ang suspek na si PO1 Abraham Ventura y Manlongan, nasa hustong gulang, ng V.P. Cruz St., ng nabanggit na barangay.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa ulat na ipinarating ng Southern Police District (SPD), naganap ang pamamaril sa No. 49 V.P. Cruz Purok 5, Bgy. Lower Bicutan, dakong 11:50 ng gabi.

Nakatayo ang biktima sa lugar nang barilin ni PO1 Ventura.

Sinasabing inakala ng pulis na bubunot ng baril ang biktima, ngunit cell phone lang ang kinukuha nito.