Ni Bella Gamotea

Patay ang isang motorcycle rider makaraang sumalpok sa gutter at makaladkad ng rumaragasang pick-up truck ang kanyang motorsiklo sa Parañaque City, nitong Lunes ng hapon.

Hindi na umabot nang buhay sa Ospital ng Parañaque si Christian Jay Biag y De Villar, nasa hustong gulang, ng Block 9 Lot 5, Green City, Malagasang II-A, Imus sa Cavite.

Nasa kustodiya naman ng Parañaque Traffic Enforcement Unit ang suspek na si Allan Dela cruz y Peralta, 31, ng Pier South Gate 6, Intramuros sa Maynila.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), naganap ang aksidente sa C-5 Road Extension, Barangay San Dionisio sa Parañaque City, bandang 2:30 ng hapon.

Sa inisyal na imbestigasyon, sakay ang biktima sa kanyang Suzuki Raider MC (for registration) at binabagtas ang C-5 Road Extension northbound sa Bgy. San Dionisio nang sumalpok sa gutter at tumilapon si Biag sa southbound lane ng kalsada.

Nagkataon na parating ang isang Isuzu elf truck (MV File No. 1202- 00000157513), na minamaneho ni Dela Cruz, at nabangga ang biktima at tuluyang nakaladkad ng ilang metro.

Sasampahan si Dela Cruz ng kasong reckless imprudence resulting to homicide.