Ni Bella Gamotea

Sarado sa publiko ang courtesy lane ng Department of Foreign Affairs-Office of Consular Affairs (DFA-OCA)-ASEANA sa Parañaque City sa Abril 19 at 20, Huwebes hanggang Biyernes.

Sa abiso ng DFA, ito ay bahagi ng hakbang ng kagawaran sa pagpapabuti ng serbisyo sa pamamagitan ng systems upgrade at air-conditioning repair.

Nilinaw naman ng DFA na mananatiling bukas ang courtesy lane facilities ng ibang DFA Consular Offices.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Balik sa normal ang operasyon ng courtesy lane sa OCA-ASEANA sa Abril 23, Lunes.