Ni ADOR V. SALUTA

ISA sa mga nangungunang showbiz loveteam ang ElNella nina Elmo Magalona at Janella Salvador. May solid supporters ang dalawa at gaya ng ibang loveteams ayaw nilang dinidiskartehan ng iba ang kanilang sinusuportahang tandem.

Janella copy

Pero sa kaso ni Jameson Blake, isa sa mga kilalang Hashtag member ng It’s Showtime, hindi maiiwasang madikit ang kanyang pangalan kay Janella dahil magkasama sila sa isang pelikula ng Regal Films, ang So Connected directed by Paul Laxamana.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Sinabi ni Jameson na sa simula pa lang ay ina-anticipate na niya ang pamba-bash sa kanya ng ElNella supporters.

“I already expected it naman,” malumanay na bungad ni Jameson no’ng maitanong sa kanya ang tungkol sa bashers dahil sa team-up niya with Janella.

Natatandaan ni James ang isang pagkakataon na nakatikim siya ng pamba-bash nang mag-post siya ng greeting for Janella in time for her 20th birthday last March.

“There was this time I greeted her on my post: ‘Happy birthday Trisha [her character in their movie].’”

Kuwento ni Jameson, hindi nagustuhan ng ElNella fans ang kanyang ginawa.

“They say I’m a user, I was using her for my fame, gusto ko daw sumikat. ‘Wag naman puro promo,” tungkol sa kanilang movie.Giit niya, “I wasn’t basically promoting.”

Naroroon naman daw ang kanyang fans na nagtatanggol sa kanya.

“I don’t wanna fight them. I had my fans fighting them so I just let that happen. It was a riot,” aniya.

Natuto na siyang dedmahin ang negative comments from bashers.

“When I started in showbiz ‘pag nakita ko nang gano’n I would really be affected, but then I just learned how to not care what people say.

“No matter what you say to people, they always have something to say to you. No matter [if you say] the greatest thing, the best thing, there will always be people saying bad things about you. We cannot avoid that situation.

“I’ll just leave it there. Janella knows that as well. We’re aware of that,” sey ni Jameson.

Mapapanood na ang So Connected sa May 23 sa mga sinehan sa bansa.