Ni Nitz Miralles
SI Iya Villania ang latest sa talent na umalis sa ALV Talent Circuit ni Arnold Vegafria.
Lumipat na ang TV host-actress sa Asian Artist Agency ni Boy Abunda, kaya magkasama na sila ng husband niyang si Drew Arellano sa iisang kuwadra. At si Drew mismo ang nag-announce nito.
“I’m very happy to announce that Mrs. A (@iyavillania) is now officially with Primo and I at @asianartistagency! Thanks, Tito Boy.”
Nauna nang umalis sa ALV Talent Circuit sina Billy Crawford (na lumipat sa Viva Artist Agency) at si Jay-R (na lumipat naman sa Cornerstone Entertainment ni Erickson Raymundo).
Sabagay, marami pang talents si Arnold sa ALV Talent Circuit at ang mga umalis, mapapalitan din lalo’t uso sa mga artista at singers ang lipatan ngayon.